Kingina! Kaninang umaga sumakay ako ng MRT sa North Ave Station papuntang Cubao, at dahil sa tuwing umaga dinadagsa ng mga estudyante at mga mang-gagawa ang unang istasyon ng MRT, napilitann akong makipagsiksikan sa kanila.
Sa pakikipagsiksikan ko para makasakay ng tren, kaylangan kong maniko at mangsiko ng mga kapwa kong gusto din sumakay, sa kasamaang palad, dahil sa kahit papano ay mas matangkad ako ng kaunti sa isang ordinaryong pinoy, ang tinatamaan ng siko ko ay ang mga dibdib ng mga nakikipagsiksikan, habang sila naman ay sinisiko ng walang kalaban laban ang aking laptop na nakalagay sa aking backpack na nasa harapan ko. Kinginang Yan!
Nung ako ay nakasakay na sa loob ng tren, inakala ko na mas makakabuti kung hindi ako didikit sa pinto, upang maiwasan na masiko muli ng mga gustong sumakay ng tren ang laptop ko.
Sa bawat istasyon ng MRT, kahit na sobra ng puno ang tren, patuloy parin sa pagsiksik ang mga tao. Matapos ang ilang istasyon, ako ay nagpumilit na makalapit sa pinto upang makalabas na sa Araneta Center - Cubao Station, ngunit sa kasamaang palad, hindi ko ito kinaya, sapagkat ang aking laptop ay patuloy na nadudurog sa tuwing ako ay sumisiksik palapit sa pinto.
Nitong gabi lang noong kami ay nagpunta ng bayan ng Novaliches buhat-buhat ang sasakyan, kami ay napadpad sa Shell na nasa semento at aming napagtanungan kung si Vin DIESEL ba ay nasa kanila. Ngunit sa kasamaang palad ay wala siya doon. Ang ganda ng tindahan ng Shell, tanging ang mga Jeep lang pwedeng pumunta at magpagasolina sa kanila.
Hanep na yan, pero hindi pa diyan nagtatapos ang kwentong ito. Napadpad kami sa Oil City at hinanap ulit si Vin DIESEL ngunit subalit datapwat wala pa din siya pa doon. At dahil katabi niya lang ang Flying Voltes V, doon namin napagtanungan kung nasa kanila ba si Vin DIESEL. Tignan mo nga naman ang grasya! Nandoon siya!! Sa kasamaang palad, si Bio DIESEL daw ang nandoon at akala namen ay si Vin DIESEL na. Pero dahil may DIESEL pa din ang pangalan niya, umo-oo na lang kami sa kanya.
At kami ay natuwa at sumayaw sa tugtog ng KikoPop for short, KPop. At doon nagtatapos ang aking kwento.
KingIna Ka Vin DIESEL!!! Magpakita ka na!!
xD
Sa isang taong namumuhay ng praktikal, ang bawat singko sentimos ay napakahalaga, kung kayat hindi dapat ito nagagamit sa mga walang kabuluhang bagay.
Bilang isa sa mga iilang praktikal na taong gumagala sa mall ng walang pera, pinahahalagahan ko ng mabuti ang kahit magkanong dinudukot ko mula sa aking bulsa o wallet.
Isa sa aking paraan ng pagiging praktikal, ay ang mas pinipili ko na lang na hintaying dumating sa isang sikat na paupahang shop ang isang bagong pelikula kaysa sa panoorin ito sa sine.
Ako ay gumagala sa isang kilalang mall ng maisipan kong umupa ng pelikula sa nag-iisang shop na alam kong nagpapaupa ng mga ito , itago na lang natin ito sa pangalang “Video City.”
Sa mundo kung saan ang kulot ay salot, at kung saan ang mga kulot ay pangit sa mata ng karaniwang tao, mahirap tanggapin na ipanganak na kulot.
Ako ay ipinanganak na may magandang buhok, unat, malambot, at may makapal na hibla.
Noong bata pa ako, ako ay mayroong mahabang buhok, napakaganda nitong tignan, sa sobrang ganda nito nagmumuka na akong babae, ngunit dahil dito sa ‘pinas ang mga pampublikong paaralan ay mayroong mga patakarang nilikha ng mga makikitid ang pag-iisip na kailangan sundin.
Kingina! Yung mahaba at maganda kong buhok ay kinalbo ng walang kalaban-laban para sa Kinginang patakaran na yan!
Kahit san ka mapalingon makakakita ka ng mga nagyoyosi, pwedeng sa kalye pwede din sa mall, bar , school, at kung saan saan pa.
Sa dami ng mga naninigarilyo dito pa lang sa Pinas hindi mo parin maiiwasan na makabangga yung mga nagyoyosi na hindi man lang makabili ng kahit maliit na lighter o kahit man lang posporo. Sa maniwala kayo at sa hindi, merong mga sadiyang makapal na kahit hindi mo kakilala biglang nanghihingi ng yosi.
Maga-alas-dose nang ako'y umorder ng pagkain sa McDonalds Delivery website. Umorder ako ng Isang Double Cheeseburger na walang fries at drinks at Isang Crispy Chicken Fillet na may large Coke para sa kumakalam 'kong tiyan. Kausap ko pa ang may-ari nitong blog na ito na tipong nai-ingit sa Mcdo kong pa-parating (wala kasing Mcdong malapit sa kanila). Ngunit makalipas ang apatnapu't minuto, wala parin ang inaasahang pagkaing pupuno ng tiyang naghahanap ng pagkain.