Lagpas na sa isang dekada mula nung ako’y naimbitahan na sumulat para sa kinginang blogger blog na ‘to, pero ni minsan eh hindi ko nagawang sumulat ulit ng kahit isang blog post. Kinginang yan!

May nagbabasa pa ba ngayon? – Meron akong nabasang statistics online, paubos na yung mga dating sumusulat at bumabasa ng mga blogs. Wala na tayong tiyaga at pasensiya na magbasa.

Ano yung kapalit? – Mga 15-second video ng mga halos hubad na mga babae na nagsasayaw, mga AI generated videos, at siyempre yung mga Top 5 lists ng mga bagay na wala naman talaga tayong pakealam at makakalimutan din naten pagkatapos nateng mag-doom scroll ng isang minuto.

So bakit ako bigla nagsulat? – Kingina nakaka-miss lang kasi. Nakaka-miss yung tahimik ka lang nakaupo, bitbit yung laptop mo, wala kang kaylangang pakinggan na usong mga kanta para nakawin at ilagay sa gagawin mong video para magmukang tanga online. Puting background lang na parang MS Word.

Nasaan na yung iba? – Aba malay ko! Kingina busy na kami. Matatanda na kami at madami ng masakit sa katawan namin. Meron na din mga kaylangang mag-alaga ng mga anak nila at maging alipin ng salapi.

Kamusta na kayo? – Isa lang ang alam ko, kahit naman hindi na kami nagkaka-usap, nagkikita-kita, at nag-iinuman kada-sabado ng gabi, hinding hindi masusunog ang tulay na gawa sa bato. Kung nasaan man kami ngayon, ang importante eh buhay pa ‘tong blog na ‘to na magsisilbing paalala kung gaano kami kasaya noon. Nung mga panahon na ang iniisip lang namin eh kung saan kami mag-iinom mamaya, kung magkano na yung pack ng Marlboro, at kung sino yung nakatambay dun sa WoF or Quantum at naglalaro ng Tekken.


Maaga ako nakatulog ng gabing iyon, pagod ang mga mata dahil sa kalalaro sa kompyuter. Ako ay nagising sa kakaibang lugar at panahon. Nagkaroon ng digmaan dahil sa pananakop ng isang bansa. Hindi ko man maintindihan, ngunit subalit sapagkat datapwat, patuloy pa rin ang nangyayari.

Moderno ang mga kagamitan pero hindi maipaliwanag kung anong taon ito nagaganap. Paparating na ang mga kalaban na may planong sumugod sa aming tirahan. Kinuha ko ang baril o riple ng aking Kuya (Kuya nalang, 'wag mo ng alamin pa ang totoo niyang pagkatao), na isang Sniper rifle. Dali-dali kong sinilip at inabangan ang mga kalaban. Maraming nakaabang sa aming kinatatayuan, ako ay nagtago at isa-isa silang pinutukan sa kanilang ulo upang hindi na mabuhay pa.

Marami agad akong napatay sa mga oras na iyon, mga anim pataas siguro. Nung una ay hindi ko alam gamitin ang baril, pero nang simula ako magpaputok, ako ay biglang naging komportable sa paggamit, para bang Counter-Strike.

Dumarami ang mga kalaban, parang hindi sila nauubos. Ako ay naglakad-lakad at nakakita ng isang gusali. Inakyat ko ito hanggang sa pinaka-itaas nito. Doon ako nag-abang at nagulat sa dami ng kalaban na may kasama pang mga kakaibang nilalang. Mukha silang tao na may taas na pito hanggang sampung talampakan. Mahirap silang patayin, kailangan ay dalawang bala ng baril bago sila bawian ng buhay.

Patuloy ang pagsugod ng mga kalaban na para bang hindi sila nauubos. Agad akong bumaba ng gusali at tumakbo patungo sa aming tirahan. Paubos na ang aking mga bala at nagtanong ako sa aking Kuya kung mayroon pa siyang ibang baril na may scope. Inabutan niya ako ng isang riple na maliit na bala ang ginagamit, akala ko nung una ay bala ng shotgun.

Natuwa ako dahil alam kong malakas ito kontra sa mga kalaban. Sinubukan ko ito kung gumagana sa pamamagitan ng pagbaril sa bintana palabas ng bahay nang biglang may dumaang tren na humarang sa direksyon ng bala. Tuloy-tuloy lang ang tren, ngunit subalit sapagkat datapwat, hindi ako nagdalawang isip at tinuloy ko ang pagputok ng baril na walang iniisip kung sino man ang tamaan. Pero masama pa din ang aking kalooban, ako ay nagaalala sa taong masasaktan.

Bukod sa dalawang baril na aking mga nabanggit, mayroon pa akong isang natatanging baril, ito ang Colt M1911A1. Makikita ang larawan nito sa itaas, at ito ang paborito kong baril sa lahat. Nagpalit muna ako ng damit at nagsuot ng sinturon upang doon ko ilagay ang aking mga baril. Dalawang baril ang aking hinanda, ang huling ibinigay ng aking Kuya at ang Colt M1911A1. Dagdag kaalaman, ang Colt M1911A1 ay ang baril na gamit ni Dean Winchester sa TV series na Supernatural.

Ang bala ng aking Colt M1911A1 ay 12mm, pero sa palabas na Supernatural, calibre .45 ang ginagamit nito. Ewan ko ba, pati ako naguguluhan, Kingina lang. Kaunti na din ang bala ng baril na iyon, kaya nagtanong muli ako sa aking Kuya kung may bala pa siyang 12mm. Tinignan namin ang mga natatagong bala ng aking ama, ngunit subalit sapagkat datapwat, sa kasamaang palad, 9mm lang ang aming natagpuan. Ako ay nalungkot dahil hindi ko magagamit ng matagal ng paborito kong baril.

Ilang sigundo lamang sa kalagitnaan ng aming paghahanap ng bala, bigla nalang ako nagising sa katotohanan. Kingina, ang sabi ko sa aking sarili. Panaginip lang pala iyon, bakit pa ako nagising, sana doon nalang ako. Pero naisip ko din na wala akong kakayanan makabalik pa sa aking panaginip, maliban na lamang kung perpekto ko na ang Lucid Dreaming. Marahil, nadala lang ako ng aking nilalaro na Assassin's Creed kaya ganito ang nangyari sa aking panaginip. Nakakapanghinayang, Kingina lang. Gusto ko pa iyon ipagpatuloy pero wala na akong magagawa pa.


Ang Globe Telecom ay isa sa mga nangungunang mobile carrier sa Pilipinas. Alam lahat ng Pilipino kung ano ang Globe kapag ito ay nabanggit mo.

Tama, sa Metro Manila wala akong naging problema sa signal nito. Kahit saan Lungsod ng Maynila nakakatanggap ako ng mga mensahe at tawag. Pero kapag nasa loob ka na ng isang bahay o gusali, hindi din natin minsan maiwasan na magkaroon ng problema. Ano sila perpekto?

Naiintindihan ko naman ang ganoong problema. Ngunit subalit sapagkat datapwat, ang pinaka-masaklap na aking naranasan ay ang pag-subscribe sa promo ng Globe. Sinubukan ko ito gamit ang pag-text, na kadalasang ginagamit para makapag-subscribe sa kahit na anong promo ng Globe.

Alam niyo kung ano sagot nila, "..registration can't be processed at this time...blah.blah." Papeng! Idol di ba? Sinubukan ko din gamitin ang kanilang website para mag-subscribe sa parehong promo. Ang sagot naman sa akin? "..the keyword you entered is invalid..." KINGINA! Ayos mo dre! At ito pa, nag-subscribe ulit ako gamit ang website pero ibang promo naman. Naging masaya ako dahil ang natanggap ko ay, "Your ... is now active!" Ang saya di ba.

Nang tumawag ako, tuloy tuloy naman ang pakikipag-usap ko. Heto na naman, biglang naputol wala pang 10 min! Ang pinaka-magandang nangyari pa dito, naubos ang load (Prepaid Balance) ko nang ganoon lang ang nangyari? Holy seat! Ang saya nga, KINGINA! Yan ba ang magandang serbisyo? Kung kailan kailangan mo saka pa maghuhuramintado!

Kingina talagang Globe Telecom na yan, nakakarami ka na. Hindi ka lang basura, kinukuha mo pa ang load! Wala ka na ngang silbi, nagbibigay ka pa ng problema! Hutaena mo ka!


May nakita ka na ba o napanood na tao na napapangiti bigla sa kabila ng kawalan? Ito ang mga taong ngumi-ngiti nalang ng biglaan habang mag-isa, nasa kwarto na nakahiga o kung saan man lugar at tulala.

Ang akala niyo ba'y sa mga pelikula, telebisyon o sinehan mo lang makikita ang mga ganitong kaganapan, isang malaking pagkakamali. Nakakatuwa ang makakita ng isang taong ganito at mas lalong nakakatuwa kung ikaw mismo ang taong iyon.

Hindi malayong mangyari sa iyo ang ganitong pangyayari. Kung ikaw ay mag-isa sa bahay, kainan, kwarto o kama, di mo maiiwasan mag-isip ng mga nangyayari sa buhay mo. Natural lang ito sa normal na tao na nabubuhay sa mundo. Ito ang mga uri ng taong may damdamin at may pag-ibig sa kapwa, kaibigan o may syota na di makalimutan kahit bigo na talaga.

Di mo maitatanggi na nangyayari sa iyo ito. Alam mo din na mukha kang tanga kapag bigla mo napansin na nakangiti ka na pala habang malayo ang tingin, at buti nalang walang ibang tao na nakakakita sa iyo. Minsan nga nakalabas pa mga ngipin mo sa sobrang kaligayahan. Kung hindi nangyayari sa iyo ito, KINGINA KA, wala kang damdamin, wala kang pakialam sa mga nangyayari sa buhay mo. Isa kang sanitary napkin, basura sa mundo, magbigti ka na. Ang sarap mong kainan ng Balut sa face. Oo, tama ang nabasa mo, kakainan kita.. ng Balut sa face.


So this epic story happened last Sunday when I was in Harbor Square along with some of my friends. We were just having a good time drinking and talking about some stuffs. I’m getting in two bottles of Gilbey’s Gin Premium and then I invited Kiko and Thogz to accompany me to KFC because I want to eat something that would lessen my amats.
Then when we got there, I remember that our order was composed of California Maki Twister and a mashed potato for me, HotShots for Thogz, and a bowl of mushroom soup for Kiko. I’m having fun eating and the two of them were in front of me. And they started to talk about some stuffs and Kiko was almost finished in his soup though he didn’t eat the mushrooms only the soup.
Anyway, I’m almost finished with my meal with 1/3 of it is left. Just then I decided to go to the restroom just to pee and I ask them to guard my meal since I’m not yet finished.
And then when I came back, the epic event happened. My California Maki Twister was GONE!! I thought they’re just making fun of me but they’re not. I ask them where did it go but they don’t know. Then we all conclude that the waiter picked it up. And then I was in awe and shocked you know. It was my last bite but then I wasn’t able to eat it! When that happened, I said a lot of words like ‘shit’, ‘putang-ina’, ‘fuck’ and then I was unstoppable.
I also posted that on my BBM saying, “1/3 of my KFC’s California Maki Twister was taken by the waiter when I was in the bathroom. And that’s my meal and it’s the last bite already!!! Aarrghhh!!”
So that happened and I still can’t get over it. I must go to KFC as soon as possible to recover that feeling again of being full and satisfied with what you ate. And I’m going to order that Twister again.
It’s so fucking awesome that it really flew!