Ang Friendster ay isa sa mga sikat o patok na social network lalo na sa mga pilipino. Dati ay pagandahan pa ng layout/itsura ng profile. Meron makintab, itim at karamihan ay pink na may kumikinang para sa mga babae. Dati rati paramihan ng Comments at Testimonials, ika nga ng nakararami noon, "Uy, testi mo ko ha." Hindi pa uso ang Jejemon noon pero nagkalat na sila dati pa. Yun nga lang, walang chat sa Freyndster ay Friendster pala kaya siguro medyo nawalan ng gana ang mga tao.
Sumulpot si Fesbuk/Facebook, nagpuntahan ang mga tao, parang sale lang sa SM, kung saan madami dun sila. At syempre, kapag bago ka dun at madami nakakakilala sayo araw araw mo maririnig "Add mo ko, invite kita." Lalo na sa mga laro sa Facebook, kung anu-ano makikita at maririnig mo "buy mo ko, penge gift" blah blah. Sa Fesbuk din nadiskubre ang mga jejemon, sosyal o pasosyal lang, pogi o pogi siguro, maganda o nagmamaganda at maraming pang ibang uri ng mga tao.
Ngayon parang nagiba na ang ihip ng hangin, iba na ang Facebook dati at ngayon. Dati ang Facebook malinis at maayos, ibig sabihin ngayon may mga walang kwentang bagay na. Kung anu-ano nila-like, wala tayo magagawa gusto niya, like nga eh. May mga page na ubos oras lang at walang katuturan. Walang dapat sisihin, parepareho tayo may Facebook account.