Marami na ngayong nagsusulputang mga mall sa buong Pilipinas, di mo na mabilang sa mga daliri mo. Ang mga tao tuloy, panay ang gala at pasyal sa mall kahit wala namang pakay o bibilhin man lang. Yung iba naman, excited pang pumorma, sa mall lang naman pupunta.

Wala lang, gusto lang nilang maglakad-lakad. Pero maya-maya, ayan na sila at isa-isa ng nagrereklamo (ang sakit ng binti ko, ang sakit ng paa ko, pagod na ko, upo muna tayo) naglakad ba naman ng mahigit dalawang oras sa loob ng mall e. Kung sa EDSA kaya nila nilakad yun, gaano kalayo o saan sila aabot?

Kapag sila naman ay nasa kalsada, tinatamad maglakad, lalo na pag malayo ang lalakarin. Pero pag sa loob ng mall, sige lang ang pasyal, (tingin diyan, tingin doon) ika nga nila ay "window shopping". Hindi nila napapansin na ilang kilometro na ang layo ng nilakad nila.

Kaya sa mga nag-iinarte at mareklamong tao na panay ang punta sa mall, siguraduhin nyo munang may bibilhin at syempre dapat may pang-chibog para kung sakaling magutom kaka-lakad sa loob ng kinginang mall na yan.

0 comments:

Post a Comment