Kinagabiha'y nagtungo kami sa isang mall, SM Novaliches. Pumunta kame dun upang samahan ang isa naming kaibigan para bumili ng pouch para sa kanyang smartphone. Lima kaming nagpunta roon, dalawang mataba.
Pagdating sa mall, pumasok kame sa isang tindahan ng mga accessories para sa cellphone. Tatlo o apat na tindahan yata ang aming pinasok at walang nagustuhan ang aming kaibigan. Bumalik kame sa unang tindahan na aming pinuntahan at doon ay may nakita ang aming kaibigan. Dalawa ang nagustuhan niya kaya't tinanong nya ang isang babae na nagbabantay sa tindahan kung alin ang mas cute, sumagot si ate "Ikaw." Ewan ko sayo ate!
Nakabili na ng dapat bilhin ang aming kaibigan, nagkayayaan na kumain bago umuwi. Naghahanap kame ng makakainan at ang napili namin ay Jap OK!. Yan may imahe sa itaas, yang Kinginang Jap OK! na yan.
May mga piktyur ang kainan na iyon na kung saan makikita mo ang itsura ng kanilang pagkaen. Mukhang masarap kaya hindi na kame nagatubili pa na umorder. Makalipas ang ilang minutong pagkatagal na paghatid sa amin ng pagkaen, dalawang order palang ang dumating at ito ay ang shrimp tempura.
Makikita mo sa piktyur tatlong piraso ng hipon ang meron ngunit ang binigay samen ay DALAWANG piraso lang ng kinginang tempura. Hindi lang iyon, puro arina pa ang kinginang tempura ng Jap-OK!, panalo diba? san kapa.
Tinikman namin ang Miso Soup "daw" na sinerve din samen. Kinginang miso soup ng Jap-OK! lasang ipis. Ilang minuto na naman ang lumipas bago dumating ang natitirang order namen. Apat na order ang dumating kulang pa ng isa dahil lima kame. Ang malupit dito ay ang panglimang order ay hindi hinatid, bagkus ang isang kaibigan pa namin ang lumapit para kunin ito! Langhiya ka Jap-OK! kaya pala di mabilang sa daliri ang mga kumakaen sa inyo.
Kaya kung pagkaing nakakainis ang hanap ninyo, punta lang kayo sa Jap-Oh Kingina di ka OK! O'Kinginang mga pagkaen yan, O'Kinginang service yan! Hina-highblood niyo kame!
Tags:
Food,
Jap-OK,
Mall,
Miso Soup,
Shrimp Tempura
Subscribe to:
Post Comments (Atom)