Baguio, tama malamig sa Baguio. Madaming magagandang tanawin at puntahan. Isa sa mga kilalang lugar dito ang Session Road na kung saan ay madaming tindahan, kainan at iba pa. Ang Session Road din ang kadalasang dinadayo ng mga tao upang mamili ng pasalubong.
Isang araw nang kami ay nandoon, tulog ang iba naming kasama at tatlo lang kaming gising. Isa sa amin ay mataba at siya mismo ang unang nagyaya kumain sa labas. Kami ay lumabas ng aming tinitirhan ng 3:00 AM at naghintay ng dadaan na taxi.
Nang kami ay nakasakay na, nagisip kami kung saan kakain at ang una naming pinuntahan ay 7-eleven. Bumaba kami ng taxi at pumasok ng 7-eleven. Wala kaming nagustuhan na pagkain kaya't nagkayayaan kumain sa Chowking dahil ang gusto kainin ng mataba naming kasama ay kanin.
Umorder kame, pagkatapos ng ilang minuto ay sinerve samin ito. Pero, ang isa naming kasama na itago nalang natin sa pangalang Lucio, ay naghanap ng ketchup. Tinawag niya ang isang crew at sinabi, "meron po kayong sauce na ketchup?" Hindi naintindihan ng crew kaya pinaulit niya ito kay Lucio. Pag talikod ng crew, humirit si Lucio "Yung maanghang po."
Ilang minuto ang lumipas, biglang may dumaan na tao na kasing bilis lamang ng pagpikit ng mata at may nilapag sa aming lamesa. Pagtingin namin, ito pala ay isang "Bagoong." Kinginang Sauce na Ketchup na Maanghang yan! Bagoong ang kinalabasan. Di ko alam kung sino ang tanga sa dalawa, ang crew o si Lucio, kaya Kingina ninyong dalawa! ChowKinginang buhay Bagoong!