Sa mundo kung saan ang kulot ay salot, at kung saan ang mga kulot ay pangit sa mata ng karaniwang tao, mahirap tanggapin na ipanganak na kulot.

Ako ay ipinanganak na may magandang buhok, unat, malambot, at may makapal na hibla.
Noong bata pa ako, ako ay mayroong mahabang buhok, napakaganda nitong tignan, sa sobrang ganda nito nagmumuka na akong babae, ngunit dahil dito sa ‘pinas ang mga pampublikong paaralan ay mayroong mga patakarang nilikha ng mga makikitid ang pag-iisip na kailangan sundin.

Kingina! Yung mahaba at maganda kong buhok ay kinalbo ng walang kalaban-laban para sa Kinginang patakaran na yan!

Nung tumubo ng muli yung buhok ko, naging kulot na ito at napakatigas.
Magmula noon ay hindi na ako natuwa sa buhok ko kung kayat hindi ko na to pinahaba ulit.

Sa kagustuhang maging unat at malambot muli ang buhok ko ay sinubukan ko ang isang treatment sa buhok na tinatawag na “Relax.”
Ang proseso ng pag-relax ay ang paglalagay ng isang napakatapang na kemikal sa buhok na kayang pumaso ng anit at sumunog ng buhok.
Dahil sa prosesong ito, napaso ang aking anit, naging sugat, at kinalaunan ay naging poknat! Kingina talaga!

Sa ngayon ako ay mayroong mahabang buhok na kasalukuyang naglalagas na para akong may cancer.
Nakikita ko na ang aking kinabukasan, ako ay magiging isang tunay na Pilipino! Kingina! TAAS NOO KAHIT NAKAYUKO!

Hindi lang ang pag-relax ng buhok ko ang naging dahilan ng biglaang pagkalagas ng aking buhok, kasama na doon ang pag-gamit ng mga kung ano-anong kemikal sa aking buhok tulad ng hair wax, at mga hair leave-on products.
Ang mga produktong iyon ay lubos na nakasisira ng buhok lalo na at nabababad ito sa mainit na sikat ng araw at sa mgamaduming elemento sahangin.

Ang paninigarilyo ay isang napakasamang bisyo! Kingina! Mainiwala ka! Ito ay nagdudulot ng hormone imbalance na nagdudulot ng mga masasamang epekto sa katawan, isa na diyan ang pagkalagas ng buhok hanggang sa tuluyang pagkakalbo.

Ang lahat ng mga ito ay ang mga kabobohang pinaggagawa ko sa buhok ko, na talaga naming pinagsisisihan ko! Kingina talaga!

Kingina ang bobo ko!

Sa mga katulad kong nakaranas ng mga ganitong pangyayari dahil sa mga bobong pinaggagawa naten sa ating buhok, Kingina Ko, Kingina Ka, Kingina Niyo, Kingina Nateng Lahat!

1 comments:

Badong said...

Hahahaha. ayos. ako nga rin e, kaya kumulot buhok ko dahil nakalbo ako accidentally ng isang baklang parlorista. 2 by 3 turned dos w/ bangs. elem ako nun. wala namang hair policy sa school pero bakit kaya di ako nagpahaba nalang ng buhok? kingina nga. ang bobo ko.

Post a Comment