Kahit san ka mapalingon makakakita ka ng mga nagyoyosi, pwedeng sa kalye pwede din sa mall, bar , school, at kung saan saan pa.

Sa dami ng mga naninigarilyo dito pa lang sa Pinas hindi mo parin maiiwasan na makabangga yung mga nagyoyosi na hindi man lang makabili ng kahit maliit na lighter o kahit man lang posporo. Sa maniwala kayo at sa hindi, merong mga sadiyang makapal na kahit hindi mo kakilala biglang nanghihingi ng yosi.

Boss Pasindi - Yan madalas yung pambati nila sayo sabay abot ng kamay na parang gustong kunin yung hawak mong yosi kahit na hindi ka pa pumapayag sabay paawa ng muka.

Ayokong pinapahawak sa iba yung yosi ko lalo na sa hindi ko kakilala, kasi sayang kung gagamitin yung baga para pangsindi lang ng yosi ng ibang tao, kaya lagi akong nagdadala ng lighter para yun na lang yung hawakan nila wag na yung yosi ko.

Ang lighter ay chick magnet - Palagi ka rin makakakita ng mga babaeng nagyoyosi, at karamihan sa kanila ay walang lighter, kaya kesa sa iabot mo ang yosi mo o kaya iabot mo ang lighter mo pag nakikisindi sila, bakit hindi na lang ikaw na mismo ang magsindi ng yosi nila. 10,000 pogi points.

Sa mga nagyoyosi na walang pangsindi, Kingina Ka!

0 comments:

Post a Comment