Showing posts with label MRT. Show all posts
Showing posts with label MRT. Show all posts

Epifanio delos Santos Avenue o kilala bilang EDSA na dating tawag ay Highway 54. Ito ang pinaka-kilalang lansangan sa Metro Manila. Alam nating lahat na madaling tandaan at makilala ang isang lugar kapag ito ay maganda at maayos. Pero ang EDSA, nakilala ito dahil sa masikip at mabagal na usad ng trapiko.

Kingina kasing lansangan yun. Subukan niyong dumaan doon ng oras ng pagpasok, oras ng uwian ng mga tao na galing ng opisina o mga estudyante na dun din dumadaan pauwi, siguradong malalagasan ka ng buhok sa ANO mo dahil sa sobrang kabuwisitan sa daloy ng trapiko.

Nakapagtataka din ang mga sasakyang araw-araw dumadaan doon, di mo alam kung naiinis din sila o sanay na sila. Ang isa pang nakaka-highblood ay kapag wala ka nang no choice na daanan at ang EDSA lang ang pagasa mong daanan.

Nagkataon na sa Paliparan na naman ang aming tatahakin. Sa EDSA kame dumaan, at kinginang inentoy kame ng kamalasan dahil inabutan namin ang pambansang trapiko. Sana'y magkaroon ng pangalawang palapag ang Kinginang EDSA na yan, nang sa ganoon ay medyo guminhawa naman ang pagdaloy ng mga sasakyan.

Madaming Pilipino ang umaasa at nananalangin na sana ay malunasan ang sakit ng EDSA. Sabi nga ng iba na ang mabagal na pagusad ng mga sasakyan ay pinanganak na sa kalsada at di mo na maiiwasan yan.

Kingina! Kaninang umaga sumakay ako ng MRT sa North Ave Station papuntang Cubao, at dahil sa tuwing umaga dinadagsa ng mga estudyante at mga mang-gagawa ang unang istasyon ng MRT, napilitann akong makipagsiksikan sa kanila.

Sa pakikipagsiksikan ko para makasakay ng tren, kaylangan kong maniko at mangsiko ng mga kapwa kong gusto din sumakay, sa kasamaang palad, dahil sa kahit papano ay mas matangkad ako ng kaunti sa isang ordinaryong pinoy, ang tinatamaan ng siko ko ay ang mga dibdib ng mga nakikipagsiksikan, habang sila naman ay sinisiko ng walang kalaban laban ang aking laptop na nakalagay sa aking backpack na nasa harapan ko. Kinginang Yan!

Nung ako ay nakasakay na sa loob ng tren, inakala ko na mas makakabuti kung hindi ako didikit sa pinto, upang maiwasan na masiko muli ng mga gustong sumakay ng tren ang laptop ko.

Sa bawat istasyon ng MRT, kahit na sobra ng puno ang tren, patuloy parin sa pagsiksik ang mga tao. Matapos ang ilang istasyon, ako ay nagpumilit na makalapit sa pinto upang makalabas na sa Araneta Center - Cubao Station, ngunit sa kasamaang palad, hindi ko ito kinaya, sapagkat ang aking laptop ay patuloy na nadudurog sa tuwing ako ay sumisiksik palapit sa pinto.