Bakit sa panahon ngayon mayroong mga tindera/tindero na 'pag ikaw ay pumunta sa kanilang sari-sari store o kung tawaging nila ay tindahan (para bumili syempre), at 'pag ikaw ay tumawag na ng magbebenta sayo (pagbilan, pabili po) malayo pa ung magbebenta sayo, ayan na sisigaw na yan at magtatanong ng "ANO?", siyempre ikaw naman 'tong si engot na sisigaw din ng kung ano kailangan mong bilhin kahit na alam mong hindi nya ito maririnig. At pagkatapos nun pag andun na sya sa harap mo, tatanungin ka ulit ng "ANO?".

 Heto pa matindi. Mayroong kalapit na tindahan ang aking nabanggit kaninang tindahan, na ang tindera ay ubod ng sungit, parang lageng may period kahit menupause na, nakaka-suya. Kapag ikaw ay bumili ng softdrinks doon kahit ano pa yan, Coke, Sprite, Royal, Fruit Soda, at ang dalawang patok sa mga tindahan Sparkol at RC mabibili ito sa halagang sampung piso pababa. Eto na, 'pag ito ay bibilhin mo as "take out" o sa madaling salita ay naka-plastic, ang babaeng tindera na tatawagin natin sa pangalang "Azon", ay hihipan ang plastic ng softdrinks ng sa ganoon ay bumuka ang plastic at maibuhos ng maayos ang softdrinks. Naku po! Ang kanyang hininga ay andun na sa plastic ng softdrinks na iinumin mo ng bonggang-bongga. Kadiri ka! Kinginaka!

0 comments:

Post a Comment