Kingina! Kaninang umaga sumakay ako ng MRT sa North Ave Station papuntang Cubao, at dahil sa tuwing umaga dinadagsa ng mga estudyante at mga mang-gagawa ang unang istasyon ng MRT, napilitann akong makipagsiksikan sa kanila.

Sa pakikipagsiksikan ko para makasakay ng tren, kaylangan kong maniko at mangsiko ng mga kapwa kong gusto din sumakay, sa kasamaang palad, dahil sa kahit papano ay mas matangkad ako ng kaunti sa isang ordinaryong pinoy, ang tinatamaan ng siko ko ay ang mga dibdib ng mga nakikipagsiksikan, habang sila naman ay sinisiko ng walang kalaban laban ang aking laptop na nakalagay sa aking backpack na nasa harapan ko. Kinginang Yan!

Nung ako ay nakasakay na sa loob ng tren, inakala ko na mas makakabuti kung hindi ako didikit sa pinto, upang maiwasan na masiko muli ng mga gustong sumakay ng tren ang laptop ko.

Sa bawat istasyon ng MRT, kahit na sobra ng puno ang tren, patuloy parin sa pagsiksik ang mga tao. Matapos ang ilang istasyon, ako ay nagpumilit na makalapit sa pinto upang makalabas na sa Araneta Center - Cubao Station, ngunit sa kasamaang palad, hindi ko ito kinaya, sapagkat ang aking laptop ay patuloy na nadudurog sa tuwing ako ay sumisiksik palapit sa pinto.

Pagdating sa istasyon, ako ay mejo malapit na sa pinto, ngunit hindi ito naging sapat upang makalabas ako ng tuluyan, dahil sa nag-iisa lang ako na lalabas ng tren, hindi sapat ang isa laban sa halos isang daang katao na ayaw gumalaw sa kinakatayuan at meron pang sumasabay na gusto parin pumasok sa loob ng tren, kung kayat nagsara na muli ang tren ng hindi ako nakalabas. Kingina Talaga!

Dahil sa hindi ako nakalabas sa istasyon, ako ay naghintay na makaabot sa istasyon ng Boni, dahil doon madaming bumababa at doon madaling lumipat sa pabalik na tren. Sa kasamaang palad, napakadami din pala ng mga gustong sumakay sa istasyon na ito.

Sa sobrang inis ko na sa mga kamalasang inabot ko, nung dumating na ang tren na punong-puno din ng tao, sinuntok ko agad sa muka at sa katawan yung mga nasa harapan ko para manghina at ako ang makapasok, pagpasok naman sa loob ng tren, ang mga tao ay ayaw umurong, kung kayat binangga ko sila ng likod ko papasok sabay siko sa mga muka nila na parang nasa MOSH PIT lang ako ng PULP.

At dahil sa Kinginang Kabobohan ko, muntik ng masira ang Laptop ko!.

Sa mga Kinginang nakasabay ko sa MRT kanina, at sa mga Kinginang sumiko sa laptop ko, Kingina Ka, Kingina Mo, Kingina Niyong Lahat!!!!!

0 comments:

Post a Comment