Sa isang taong namumuhay ng praktikal, ang bawat singko sentimos ay napakahalaga, kung kayat hindi dapat ito nagagamit sa mga walang kabuluhang bagay.

Bilang isa sa mga iilang praktikal na taong gumagala sa mall ng walang pera, pinahahalagahan ko ng mabuti ang kahit magkanong dinudukot ko mula sa aking bulsa o wallet.

Isa sa aking paraan ng pagiging praktikal, ay ang mas pinipili ko na lang na hintaying dumating sa isang sikat na paupahang shop ang isang bagong pelikula kaysa sa panoorin ito sa sine.

Ako ay gumagala sa isang kilalang mall ng maisipan kong umupa ng pelikula sa nag-iisang shop na alam kong nagpapaupa ng mga ito , itago na lang natin ito sa pangalang “Video City.”

Doon sa nasabing shop ay mayroong estante na nakalaan para sa mga bagong labas na pelikula, at doon ko nakita ang isang pelikulang mukang nakakaengganyong panoorin, kung kayat walang anu-ano ay inupuhan ko ito sa halagang 16 pesos.

Ang pelikula ay “Lake Placid 3” likha ng ‘Stage 8 Films at RCR Partners, sa produksyon ng UFO International.

Tulad ng mga naunang sequel nito, ito ay tungkol sa isang sapa na mayroong malalaking buwaya.
Napanood ko na ang mga ung sequel ng pelikulang ito, ngunit sa sobrang tagal na nito ay hindi ko na matandaaan ang mga detalye ng pelikula.

Ang nasabing pelikula ay nakauri na isang suspense film, ngunit nung maumpisahan ko na itong panoorin, wala akong naramdaman na pagkatakot o kung ano pa man, ang tangi kong naramdaman ay panghihinayang sa 16 pesos ko.

Piranha o Buwaya? – Dahil sa pagiging likas kong mapanuri at mapagmatiyag tulad ni Kuya Kim, alam ko kung paano mangaso at pumatay ng biktima ang isang buwaya.

Ang interpretasyon ng pangangaso ng biktima sa pelikula ay maihahalintulad natin sa isang piranha o kaya naman ay sa mga mababangis na hayop panlupa.

Ang biktima nito ay kinakagat ng papirapiraso at tuloy-tuloy tulad ng isang piranha, ito rin ay tumatalon patungo sa biktima na tulad ng isang liyon. Napakalayo sa totoong pangangaso ng isang buwaya.

Ang tamang pamamaraan- Ang buwaya ay nananatili sa ilalim ng tubig at tanging ang mga mata lang nito ang nakaangat sa tubig upang makita ng mabuti ang biktima.

Sa oras na maabot nito ang tamang distansiya ay ilalabas nito ang pagkalaki-laki nitong bunganga upang sakmalin ang biktima.

Pagkatapos nito ay iikot-ikot ito upang madurog ang mga buto ng biktima hanggang sa ito ay mamatay, ito ay maskilala sa tawag na ‘Death-roll.’

Pagkatapos matiyak na patay na ang biktima, tsaka lang ito kakainin ng buwaya.

Napakalayo nito sa mga ipinakita sa pelikula kung kayat nag muka itong hindi pinag-isipan o sa masmagalang na pananalita ay ‘Gawa ng Kinginang Bobo!”

Kung kayat ang rating ko sa “Lake Placid 3” ay Rated K, hindi yung kay Korina Sanchez kundi RATED KINGINA.

Sa mga gumagawa ng pelikulang hindi pinag-iisipan, Kingina Ka, Kingina Niyong Lahat.

0 comments:

Post a Comment