Pagsasabihan niyo akong mag-aral pero bibigyan niyo ba ko ng oras para mag-aral?

Tapos pag bumagsak nasa akin pa din ang sisi, ni wala man lang suporta o mga salitang magpapagaan bagkus magpapabigat pa iyon ng aking kalooban.

Nag-aaral nga akong mabuti pero hindi nila nakikita yun eh. Hindi nila nakikita yung mga paghihirap na kinakaharap mo sa school!

Kaya eto ka, nagbubulakbol at naglalayas araw-araw makahanap lang ng konting espasyo at makahinga ng maluwag kahit sobrang labo na ng nangyayari sa paaralang iyong pinapasukan.

Malaki ka na pero pinapauwi ka pa din nila bago mag hatinggabi. Ayaw nilang iparanas sa iyo ang pagiging malaya. Kung kaya mo namang mabuhay ng mag-isa bakit hindi nila mapayagan di ba?

Kahit saglit lang, mapatunayan ko lang sa sarili ko na may silbi ako sa pamilyang ito at may kayang tumayo sa sariling mga paa ng di umaasa sa sa kanilang may kaya.

Ni hindi nila nakikita at nararamdaman na ako'y nabibigo din dahil hindi naman ako perpektong tao na may perpektong pag-iisip at kaalaman na masagutan ang lahat ng mga katanungang ibinabato ng mga guro sa akin.

Sinisikap kong mag-aral at kayanin ang bawat pagsubok na aking pinagdadaanan. Ni hindi nga akong umaasang mabigyan niyo ako ng pera kahit walang pasok kaya ako sumusulat ng mga artikulo sa internet para lang mabigyang katuparan ang aking paghahangad na kumita ng pera sa ganitong paraan na hindi na umasa ng umasa sa inyo.

Pinupuyat ang sarili gabi-gabi maibsan lang ang gutom na damdaming determinadong kumayod at mag-ipon para sa sariling kinabukasan gamit ang kompyuter at internet.

Kasabay pa nito ang pusong may busilak na kalooban na mapagsilbihan ang Diyos niyang minamahal ng buong-buo.

Isinisingit ang oras para sa kaibigan at pansariling kaligayahan kahit na nagsusumamo na sa isang sulok at wala ng magawa sa tindi ng paghihirap na kanyang dinadanas. At tanging ang musika at katahimikan lang ng paligid ang nakakalutas ng mga ito.

Pinipilit maging katotohanan ang mga nakikita sa panaginip habang tulog. Ipinipilit sa sarili na lahat ay posible tulad ng mga nararanasan sa panaginip na tila ayaw ng magising at bumalik pa sa tunay na mundo dahil doon siya mas masaya.

Na lahat ay magagawa niya ng walang hadlang at makakalipad kasama ng mga pangarap na inaasam.

Sana ganun na lang...

Noong isang araw, ako ay nagtungo sa isang di kalayuan na mall sa Quezon City para magchill sandali. Habang ako ay nag iisip kung saan tatambay, kakain at magchi-chill, naisip ko munang magpunta sa annex building nitong nasabing mall para mag sight seeing ng kung anu-ano. Ako ay umabot sa pinaka-taas na palapag ng annex building (5th Floor), at nang maramdaman kong nagugutom at medyo pagod na ko sa paglalakad, ako ay gumamit ng elevator para makababa ng mas mabilis at hindi nakakapagod.

Nang ako ay makapasok na ng elevator, mayroong humigit kumulang na 10 katao sa loob nito. May dalawang babaeng magkaibigan ang tawa ng tawa, parang pers taym makasakay ng elevator (chos). Sumarado na ang pinto ng elevator at ito ay bumaba na. Nang kami ay makarating sa pang-apat na palapag (4th Floor), at bumukas na ang pinto ng elevator, ang dalawang babae ay napatingin sa labas na tila may hinahanap na store.

Bigla nilang nakita ang Nokia store, ang sabi ng isa, "Ayun pala yung Nokia, tara na! dali!", habang ang isa naman ay, "sandali, sumabit ang bag ko! teka lang". Sumabit ang bag niya sa handle sa loob ng elevator hanggang sa tuluyan ng nagsarado ang pinto.Pagkatapos nun ay wala na silang ginawa kundi tumawa ng tumawa hanggang sa lower ground floor ng annex building. Kinginang yan! :))

Heto na naman at tungkol na naman sa pagkain ang inyong mababasa. Nang mga oras na iyon ay pare-pareho ang aming naisip na kainin, pizza. Isang restawran sa Taguig na may mapula at madilaw na ilaw na parang sa kotse na animo'y nasa isang kubeta ka.


Masaya ang grupong nagke-kwentuhan, nagtatawanan habang kumakain. Medyo nagtagal din kami sa kainan na iyon. Nang matapos ang lahat kumain, maya't-maya ay may naririnig kaming tinig na tila'y isang lamang lupa.

Unti-unting natahimik ang lahat at dahan-dahan dinala ang atensyon sa mga tinig na aming naririnig. Pinagusapan ito ng grupo na hanapin kung saan nagmumula ang kakaibang himig na bumabalot sa restawran na iyon.

Hindi nagtagal, nahanap na namin ang kasagutan na parang isang guni-guni na lumalason sa iyong isipan. Na-aktohan namin ang Manager ng nasabing kainan na nakikipagchismisan sa kanyang mga katrabaho. Pinagmasdan namin siya (Manager na naman), hinuli namin ang kanyang tinig at tumpak! nasa kanya ang kasagutan, Kingina!

Kala mo'y isang kakaibang nilalang ang Kinginang Manager ng restawran na iyon. Boses kiki ang Kinginang Manager na lumason sa aming isipan ng mga oras na iyon! Sa aming paglisan ay nakuha pa niya buksan ang pinto para sa amin at sabay sabi ng "Thank You for coming!" Talagang mapapa-Kingina ka sa kanyang mga tinig na tumatambay sa tenga at habang buhay mong dadalhin. Mabuhay ka Kingnang Manager ka!

nakita mo na pala eh, hindi mo pa bigyan ng pansin. gusto mo yung mismong tao pa yung may sala eh. wala ka man lang kusa. para kang inagawan ng candy, kung makapagreklamo ka ha.

dadamputin mo lang gamit ng mga pangit mong kamay yung dumi, hindi mo pa magawa. ano ka? anak ng Diyos? hindi pwedeng madumihan ang malinis mong mga palad.

tingin mo ba malinis yan?? bulag ka lang kaya di mo makita.

nakakainis na eh noh. ganyan ka ba mag-isip. nakapagtapos ka na ng highschool at college ha. may diploma ka pa. eh daig ka pa ng mga batang sumusulat sa Maala-ala Mo Kaya eh. Subukan mo kayang manood ng TV, baka may mapulot kang aral at mamulat ka sa katotohanan.

shetness.

ilang taon ka na ba? bente-kwatro?? ganyan ba mag-isip ang bente-kwatro?? pubunutabana mo eh noh.


Kingina ka pa!

Heto na naman ako at irereklamo ko na naman ang nag-iisa at bukod tanging Kinginang tindahan. 

Isang umaga, nang ako'y mangailangan ng load, nagtungo ako sa aming paboritong tindahan, dahil doon ay mura, maraming tinda at wala akong pakialam. Sa aking pagdating, ako ay nag-iisa lamang sa tindahan kaya inisip ko na mas mapapa-bilis ang pagdating ng load ko.

Nang aking maisulat ang numero ng aking Cellphone, iniabot ko agad kay Mang Santos, ang may ari ng nasabing tindahan. 

Ilang saglit lang, may dumating na isang mamimili, agad siyang tinanong ni Mang Santos kung ano ang kaniyang bibilhin. Ang nangyari, isinantabi muna niya ang aking numero at agad pinagsilbihan ang dumating na mamimili. Nainis ako pero hinayaan ko nalang.

Nang umalis na yung mamimili, hinawakan muli ni Mang Santos ang numero, ngunit mayroong dumating muli dalawang magkasunod na mamimili. Aysus! muli, ito ay kaniyang inunang pagsilbihan. Lalong nag-init ang aking ulo pero pinalagpas ko nalang.

Sa aking paghihintay ng pagkatagal-tagal, habang pinagsisilbihan pa ang dalawa, agad may dumating na isa pang tao upang bumili, Kinginang tindahan yan! 

Hindi pa tapos, may dumating pang isa at nadagdagan ang oras ng aking paghihintay at init ng ulo. Matapos nilang lahat bumili, saka lang ako pinaload-an ni Santos. KINGINA! LIMANG TAO ANG NAUNANG MAKAALIS SAMANTALANG AKO ANG NAUNANG DUMATING?

Sa mga oras na yun ay nagmamadali pa ako at kailangan ko na talaga ng load. Kingina Ka talaga Santos, magsama kayo ni Azon. Kingina Nyo!!! 

P.S
Naulit muli sa akin ang ganitong pangyayari ilang araw ang nakalilipas. ,,i,,


Kaming magkakaibigan ay nagkayayaan na magkita sa isang kilalang kapihan sa lungsod Quezon. Medyo nagtagal din kami doon at inabot ng paglubog ng araw. Gabi na iyon at ng naisipan namin na gutom na pala kami, Nagugutom kami Kingina!

Sa mga oras na iyon, nagusap-usap kami na kung saan ba kakain at kung ano ang gusto kainin ng bawat isa. Siyempre, kapag humirit ang isa sa magkakaibigan ng gusto niyang kainin, ang sagot ng lahat ay 'Sige, yun nalang.'

Nakapagdesisyon kami na kumain sa Mangdobalds (McDonalds) sa Kanluran Abenida na kung saan ay malapit lang din sa aming pinanggalingan na kapihan. Agad-agad naming tinahak ito dahil gutom nga kami diba? Kingina, magbasa!

Pagdating namin sa Mangdobalds, di maiiwasan na isa sa inyo ang magtatanong kung ano oorderin at ang sagot ay 'Ano ba sa iyo?' Tinanong mo, tanong din ang sagot? Kingina! Natural lang naman yan sa buhay ng tao kaya madaling intindihin.

Ito na, mukhang lutang na Baklang Manager mismo ang kaharap namin at kumuha ng mga order namin. Nasabi na ng lahat sa amin ang gustong kainin maliban lang sa isa, itago nalang natin sa pangalang JunJun. Sinabi ni JunJun ang order niya, inulit pa nga niya ito para maintindihan ng Kinginang Manager na iyon. At ang sagot ng Kinginang Manager na mukhang lutang ay, 'Anong gagawin?'

Kingina! Ano yun magti-titigan nalang kaming lahat dun? Sinabi mo nga ang order mo tapos ang sagot sa iyo "Anong gagawin?" Kingina mong bakla ka! Ba't sa Pilipinas ka pa pinanganak! Kung hindi nga naman kalahating g*go't kalahating t*nga ang hinayupak na Baklang Dinosaur na yun. Nakaka-Kingina ang sagot niya, gutom ka na nga tapos yun pa kakausap sa iyo? Nakakawalang gana kumain! Pwe!

Gayon pa man, isa siya sa kakaibang nilalang na nakilala namin. Ang magandang balita ay wala na siya doon sa kinainan namin na Mangdobalds. Ang masamang balita naman ay nasa isang sikat na Mall siya nailipat, kaya ingat-ingat din.

Epifanio delos Santos Avenue o kilala bilang EDSA na dating tawag ay Highway 54. Ito ang pinaka-kilalang lansangan sa Metro Manila. Alam nating lahat na madaling tandaan at makilala ang isang lugar kapag ito ay maganda at maayos. Pero ang EDSA, nakilala ito dahil sa masikip at mabagal na usad ng trapiko.

Kingina kasing lansangan yun. Subukan niyong dumaan doon ng oras ng pagpasok, oras ng uwian ng mga tao na galing ng opisina o mga estudyante na dun din dumadaan pauwi, siguradong malalagasan ka ng buhok sa ANO mo dahil sa sobrang kabuwisitan sa daloy ng trapiko.

Nakapagtataka din ang mga sasakyang araw-araw dumadaan doon, di mo alam kung naiinis din sila o sanay na sila. Ang isa pang nakaka-highblood ay kapag wala ka nang no choice na daanan at ang EDSA lang ang pagasa mong daanan.

Nagkataon na sa Paliparan na naman ang aming tatahakin. Sa EDSA kame dumaan, at kinginang inentoy kame ng kamalasan dahil inabutan namin ang pambansang trapiko. Sana'y magkaroon ng pangalawang palapag ang Kinginang EDSA na yan, nang sa ganoon ay medyo guminhawa naman ang pagdaloy ng mga sasakyan.

Madaming Pilipino ang umaasa at nananalangin na sana ay malunasan ang sakit ng EDSA. Sabi nga ng iba na ang mabagal na pagusad ng mga sasakyan ay pinanganak na sa kalsada at di mo na maiiwasan yan.

Noong araw na kami ay obligadong pumunta sa NAIA Airport Terminal 3 para sunduin ang nakatatandang kapatid ni Gardo kasama ang pamilya nito, kami ay gumamit pa ng GPS sa kaniyang smartphone para matuntun ang tama at madaling daan patungo sa aming destinasyon.

Nang kami ay dumating na sa NAIA, siyempre hahanap na kami ng lugar na bakante para mag-park ng sasakyan. Sa kasamaang palad, wala ng bakanteng ispasyo para mag-park ayon sa isang Kinginang Guard. Kami ay dumeretso nalang dahil hindi naman sila nagsuggest man lang kung saan kami magpa-park, kaya kami ay nagdesisyon na maghanap nalang.

Ako ay bumaba ng sasakyan para magtanong sa isang Kinginang Guard na nakatambay lamang malapit sa waiting area ng airport, "Boss, saan po kami pwedeng mag-park? puno na daw kase dun sa unang parking lot" ayan ang aking sobrang galang na pagtatanong, ang sagot sa akin, "umikot ulit kayo, meron dun parking" So, wala na kaming choice, agad na naming sinunod ang utos ng Kinginang Guard. Sa aming paghahanap, wala naman kaming makitang parking. Kinginang tao yan, magsa-suggest na nga lang "Sablay pa!"

At kami ay bumalik muli upang magbaka sakaling mayroon ng bakante. Kami uli ay nagtanong sa Kinginang Guard, "Boss, saan ho kami pwedeng magpark?", ang malinaw nyang sagot ay, "Diyan, kumaliwa kayo" at kami ay agad muling sumunod. Ang sabi sa amin ng Kinginang Guard dun sa lilikuan namin, "Wala na diyan, Puno na" Kingina nyo, wala na ba kayong maitutulong? kanya-kanya pa kayo ng desisyon mga putang ina nyo.

Gabi ng Martes na naman nang ako ay lumabas ng bahay para bumili ng load dahil 1 petot (1.00 peso) nalang ang load ko. Hindi kasi ako makapagtext o tawag sa aking mga kaibigan, ka-ibigan at ibang kakilala. Maglo-load din ako kasi baka kailangan ko.

Pumunta ako sa bahay ng aking kababata para magpasama sa kanya maghanap ng load pero bago yun iniisip ko muna kung magkano at kung saan ako makakasulit. Naisipan kong bumili ng 300 petot na load at nagpasama ako kay kababata na maghanap ng tindahan na nagtitinda ng prepaid card. At dahil 1.00 nalang load ko noong gabing iyon, ni-load ko na ang binili kong load at meron na akong 301.00. Nagsubscribe ako sa isang promo ng globe at nabawasan ako ng 150.00. Meron na lamang ako natitirang 151.00 na load.

Ngunit subalit sapagkat datapwat, nicheck ko ang aking load ng madaling araw ng Huwebes, ang natitirang load ko na lamang ay 51 petot! Kingina! napaka-Kingina ng Globe Telecom na yan. Ika nga ng Globe "Abot ko ang mundo," siraulo! paabot-abot pa kayong nalalaman!

Ako ay nagsearch sa inernetz(internet) para sa kanilang customer service/support. Nakita ko ang Globe Chat Assist at sinubukan ko ito. Sinabi ko ang mga nangyaring naganap sa aking load, hiningi ang numero ko at e-mail. Maya-maya lamang bigla nalang nawala at di ko na alam ang nangyari. Nagemail saken ang Kinginang Globe na yan at hiningi ang palalan(pangalan) ko, numero ng cell phone at ang aking reklamo. Sa kabutihang makalyong palad, wala silang reply!

Kingina talagang kamalasan sa buhay dahil sa Kinginang Globe! Tumawag din ako sa kanilang Globe 24-Hour Call-in Service sa 221 at 730-1000. Sinwerte ako dahil walang sumagot! Kingina nga! Matumba sana lahat ng cell site niyo! 24-Hour DAW pero ano nangyari? Ang saket niyo sa puson! Kinginang Globe Telecom yan ibalik niyo 100 petot ko!

Kami ay napadpad sa kahabaan ng EDSA. Habang tinatahak ang daan papuntang NAIA Terminal 1. Gabi na noon nang kami ay biglang nalito sa dami ng daanan sa may Ortigas, Pasig. Kami ay nagulantang at sumuot sa ilalim ng flyover kasama ng mga bus.

Sa kamalas-malasang palad kami ay napunta sa bus lane kung saan my pumara saming mga pulis patola. Bigla silang nag-offer ng seminar worth Php 1000 at pilit kaming pinapapunta doon. Malamang kami ay tumanggi. Biruin mo yung seminar nagkakahalaga ng isang libo tapos tuturuan ka lang "maglagay" ng pera sa mga pulis patola na yan. Juice ko?! Nasan na?

At syempre kami naman ay likas na talentado, kami ay umarteng best actor at best supporting actor na dinaig pa ang mga artista sa MMFF. Sabi ng mga hinayupak na patola na yan na magbayad lang kami ng isang libo solb na ang problema namin. At ayan na nga ang isang libong halaga ng seminar. Kaya kayo, mag-ingat sa mga taong nag-ooffer ng seminar. Mahirap na baka sa City Hall ng mga Corrupt ang mapuntahan niyo.

Nakaka King Ina yun ha! Shhhheeeeeetttt!