Noong araw na kami ay obligadong pumunta sa NAIA Airport Terminal 3 para sunduin ang nakatatandang kapatid ni Gardo kasama ang pamilya nito, kami ay gumamit pa ng GPS sa kaniyang smartphone para matuntun ang tama at madaling daan patungo sa aming destinasyon.

Nang kami ay dumating na sa NAIA, siyempre hahanap na kami ng lugar na bakante para mag-park ng sasakyan. Sa kasamaang palad, wala ng bakanteng ispasyo para mag-park ayon sa isang Kinginang Guard. Kami ay dumeretso nalang dahil hindi naman sila nagsuggest man lang kung saan kami magpa-park, kaya kami ay nagdesisyon na maghanap nalang.

Ako ay bumaba ng sasakyan para magtanong sa isang Kinginang Guard na nakatambay lamang malapit sa waiting area ng airport, "Boss, saan po kami pwedeng mag-park? puno na daw kase dun sa unang parking lot" ayan ang aking sobrang galang na pagtatanong, ang sagot sa akin, "umikot ulit kayo, meron dun parking" So, wala na kaming choice, agad na naming sinunod ang utos ng Kinginang Guard. Sa aming paghahanap, wala naman kaming makitang parking. Kinginang tao yan, magsa-suggest na nga lang "Sablay pa!"

At kami ay bumalik muli upang magbaka sakaling mayroon ng bakante. Kami uli ay nagtanong sa Kinginang Guard, "Boss, saan ho kami pwedeng magpark?", ang malinaw nyang sagot ay, "Diyan, kumaliwa kayo" at kami ay agad muling sumunod. Ang sabi sa amin ng Kinginang Guard dun sa lilikuan namin, "Wala na diyan, Puno na" Kingina nyo, wala na ba kayong maitutulong? kanya-kanya pa kayo ng desisyon mga putang ina nyo.

0 comments:

Post a Comment