Heto na naman ako at irereklamo ko na naman ang nag-iisa at bukod tanging Kinginang tindahan.
Isang umaga, nang ako'y mangailangan ng load, nagtungo ako sa aming paboritong tindahan, dahil doon ay mura, maraming tinda at wala akong pakialam. Sa aking pagdating, ako ay nag-iisa lamang sa tindahan kaya inisip ko na mas mapapa-bilis ang pagdating ng load ko.
Nang aking maisulat ang numero ng aking Cellphone, iniabot ko agad kay Mang Santos, ang may ari ng nasabing tindahan.
Ilang saglit lang, may dumating na isang mamimili, agad siyang tinanong ni Mang Santos kung ano ang kaniyang bibilhin. Ang nangyari, isinantabi muna niya ang aking numero at agad pinagsilbihan ang dumating na mamimili. Nainis ako pero hinayaan ko nalang.
Nang umalis na yung mamimili, hinawakan muli ni Mang Santos ang numero, ngunit mayroong dumating muli dalawang magkasunod na mamimili. Aysus! muli, ito ay kaniyang inunang pagsilbihan. Lalong nag-init ang aking ulo pero pinalagpas ko nalang.
Sa aking paghihintay ng pagkatagal-tagal, habang pinagsisilbihan pa ang dalawa, agad may dumating na isa pang tao upang bumili, Kinginang tindahan yan!
Hindi pa tapos, may dumating pang isa at nadagdagan ang oras ng aking paghihintay at init ng ulo. Matapos nilang lahat bumili, saka lang ako pinaload-an ni Santos. KINGINA! LIMANG TAO ANG NAUNANG MAKAALIS SAMANTALANG AKO ANG NAUNANG DUMATING?
Sa mga oras na yun ay nagmamadali pa ako at kailangan ko na talaga ng load. Kingina Ka talaga Santos, magsama kayo ni Azon. Kingina Nyo!!!
Sa mga oras na yun ay nagmamadali pa ako at kailangan ko na talaga ng load. Kingina Ka talaga Santos, magsama kayo ni Azon. Kingina Nyo!!!
P.S
Naulit muli sa akin ang ganitong pangyayari ilang araw ang nakalilipas. ,,i,,