Pagsasabihan niyo akong mag-aral pero bibigyan niyo ba ko ng oras para mag-aral?

Tapos pag bumagsak nasa akin pa din ang sisi, ni wala man lang suporta o mga salitang magpapagaan bagkus magpapabigat pa iyon ng aking kalooban.

Nag-aaral nga akong mabuti pero hindi nila nakikita yun eh. Hindi nila nakikita yung mga paghihirap na kinakaharap mo sa school!

Kaya eto ka, nagbubulakbol at naglalayas araw-araw makahanap lang ng konting espasyo at makahinga ng maluwag kahit sobrang labo na ng nangyayari sa paaralang iyong pinapasukan.

Malaki ka na pero pinapauwi ka pa din nila bago mag hatinggabi. Ayaw nilang iparanas sa iyo ang pagiging malaya. Kung kaya mo namang mabuhay ng mag-isa bakit hindi nila mapayagan di ba?

Kahit saglit lang, mapatunayan ko lang sa sarili ko na may silbi ako sa pamilyang ito at may kayang tumayo sa sariling mga paa ng di umaasa sa sa kanilang may kaya.

Ni hindi nila nakikita at nararamdaman na ako'y nabibigo din dahil hindi naman ako perpektong tao na may perpektong pag-iisip at kaalaman na masagutan ang lahat ng mga katanungang ibinabato ng mga guro sa akin.

Sinisikap kong mag-aral at kayanin ang bawat pagsubok na aking pinagdadaanan. Ni hindi nga akong umaasang mabigyan niyo ako ng pera kahit walang pasok kaya ako sumusulat ng mga artikulo sa internet para lang mabigyang katuparan ang aking paghahangad na kumita ng pera sa ganitong paraan na hindi na umasa ng umasa sa inyo.

Pinupuyat ang sarili gabi-gabi maibsan lang ang gutom na damdaming determinadong kumayod at mag-ipon para sa sariling kinabukasan gamit ang kompyuter at internet.

Kasabay pa nito ang pusong may busilak na kalooban na mapagsilbihan ang Diyos niyang minamahal ng buong-buo.

Isinisingit ang oras para sa kaibigan at pansariling kaligayahan kahit na nagsusumamo na sa isang sulok at wala ng magawa sa tindi ng paghihirap na kanyang dinadanas. At tanging ang musika at katahimikan lang ng paligid ang nakakalutas ng mga ito.

Pinipilit maging katotohanan ang mga nakikita sa panaginip habang tulog. Ipinipilit sa sarili na lahat ay posible tulad ng mga nararanasan sa panaginip na tila ayaw ng magising at bumalik pa sa tunay na mundo dahil doon siya mas masaya.

Na lahat ay magagawa niya ng walang hadlang at makakalipad kasama ng mga pangarap na inaasam.

Sana ganun na lang...

0 comments:

Post a Comment