Epifanio delos Santos Avenue o kilala bilang EDSA na dating tawag ay Highway 54. Ito ang pinaka-kilalang lansangan sa Metro Manila. Alam nating lahat na madaling tandaan at makilala ang isang lugar kapag ito ay maganda at maayos. Pero ang EDSA, nakilala ito dahil sa masikip at mabagal na usad ng trapiko.
Kingina kasing lansangan yun. Subukan niyong dumaan doon ng oras ng pagpasok, oras ng uwian ng mga tao na galing ng opisina o mga estudyante na dun din dumadaan pauwi, siguradong malalagasan ka ng buhok sa ANO mo dahil sa sobrang kabuwisitan sa daloy ng trapiko.
Nakapagtataka din ang mga sasakyang araw-araw dumadaan doon, di mo alam kung naiinis din sila o sanay na sila. Ang isa pang nakaka-highblood ay kapag wala ka nang no choice na daanan at ang EDSA lang ang pagasa mong daanan.
Nagkataon na sa Paliparan na naman ang aming tatahakin. Sa EDSA kame dumaan, at kinginang inentoy kame ng kamalasan dahil inabutan namin ang pambansang trapiko. Sana'y magkaroon ng pangalawang palapag ang Kinginang EDSA na yan, nang sa ganoon ay medyo guminhawa naman ang pagdaloy ng mga sasakyan.
Madaming Pilipino ang umaasa at nananalangin na sana ay malunasan ang sakit ng EDSA. Sabi nga ng iba na ang mabagal na pagusad ng mga sasakyan ay pinanganak na sa kalsada at di mo na maiiwasan yan.