Sa isang taong namumuhay ng praktikal, ang bawat singko sentimos ay napakahalaga, kung kayat hindi dapat ito nagagamit sa mga walang kabuluhang bagay.
Bilang isa sa mga iilang praktikal na taong gumagala sa mall ng walang pera, pinahahalagahan ko ng mabuti ang kahit magkanong dinudukot ko mula sa aking bulsa o wallet.
Isa sa aking paraan ng pagiging praktikal, ay ang mas pinipili ko na lang na hintaying dumating sa isang sikat na paupahang shop ang isang bagong pelikula kaysa sa panoorin ito sa sine.
Ako ay gumagala sa isang kilalang mall ng maisipan kong umupa ng pelikula sa nag-iisang shop na alam kong nagpapaupa ng mga ito , itago na lang natin ito sa pangalang “Video City.”
Sa mundo kung saan ang kulot ay salot, at kung saan ang mga kulot ay pangit sa mata ng karaniwang tao, mahirap tanggapin na ipanganak na kulot.
Ako ay ipinanganak na may magandang buhok, unat, malambot, at may makapal na hibla.
Noong bata pa ako, ako ay mayroong mahabang buhok, napakaganda nitong tignan, sa sobrang ganda nito nagmumuka na akong babae, ngunit dahil dito sa ‘pinas ang mga pampublikong paaralan ay mayroong mga patakarang nilikha ng mga makikitid ang pag-iisip na kailangan sundin.
Kingina! Yung mahaba at maganda kong buhok ay kinalbo ng walang kalaban-laban para sa Kinginang patakaran na yan!