Kami ng aking dalawang kaibigan ay nagtungo sa isang 'di kalayuan na Mall na kung saan mayroong di inaasahang bagsak presyo o kung tawagin ng karamihan ay "sale", up to 50% off sa mga piling produkto lamang. Agad kaming nagpunta sa biglaang pakay ng aming kaibigan na bumili ng short sleeves na polo sa Department Store, na kung saan nagkalat ang magagandang Sales Lady(nomnom). Bagamat wala siyang natipuhan, nagdesisyon siyang bumili nalang ng pantalon.

Sa aming paghahanap ng pantalon, may nakita siyang magandang shorts (sa may tabi ng mga pantalon) na katulad ng kaniyang shorts. Inusisa niya itong mabuti at may napansin siyang isang maliit na bulsa na may lock. Sa pag-aakalang ito nga ay isang bulsa, agad niya itong pwersang binuksan, ito pala ay isa lamang props o palamuti. Sa kaniyang maling pagkakamali, ito ay nawasak mula sa pagkaka-tahi. Mabuti na lamang at walang nakapansin sakaniyang staff (ako lang ang nakakita). Sa mga lalaking Staff ng Department Store na tamad magbantay ng customers, KinginaMo, KinginaKa, Kingina Ninyong lahat.

Bakit ka naririto? Kung sa bagay hindi naman kita mapipigilan kung gusto mo magbasa. May mga taong mahilig at mayroon naman ayaw magbasa. Ayon sa aking pagkakaalam kung hindi ako nagkakamali, mas madami ang nagbabasa sa birtwal na mundo(internetz) kaysa ang basahin ang libro at isa ka na dun.

Tuloy ka pa din sa pagbasa ngunit may bagay ka na hindi mo napapansin. Sana ay mapansin mo ito nang sa ganoon ay malaman mo na may nangyayari na sayo habang binabasa mo ito. Inuubos mo lang ang panahon at oras. Napapagod lang ang iyong mga mata. Para kang gag-o, buwakanang in-a mo hayop ka siraulo mo abnoy sige basa pa din para kang monggoloid pakyu sige tuloy pa din basa lang ng basa hutaena mo! Di mo ba alam na Muntanga ka na!(Mukhang tang-a ka na).

Nakakatuwang sumakay sa Bus lalo na kapag wala kang pera pangfx o pantaxi, maraming nagpapakagalanteng mga lalake sa mga chicks(magagandang babae) na nakatayo lang sa bus samantala yung mga panget, ayon mula Novaliches hanggang sa Cubao eh' nakatayo pa rin sila. May mga nagtutulog-tulugan at naghahanap ng mga nakaipit na ticket sa sulok para makaiwas sa pagbayad sa namamawis na kili-kili ng kondoktor .

Hindi lang isa o dalawang beses nila 'tong ginagawa, ang iba ay nagiging bisyo na, nakaka-relax din ang pagdampi ni Rizal(piso) sa makinis na tubo ng bus sinyalis na may bababa, walang bababa o may nakaabang na "METRO GWAPO", sabay karipas ang driver na umaabot na ng 120kph ang takbo.

Sa mga sosyal na hindi pa nakakaranas sumakay ng "BUS," pakiusap magjeep na lang kayo. Sa mga pasosyal naman, pakiusap din, kayo nalang ang magmaneho ng BUS. Ang arte mo!

KING INA nyo!!!

Ako ay magpapakilala bilang Judas. Ako si Judas sa mata ng mga taong may galit at pagkainis sa akin. Ako ay tapunan ng sama ng loob sa aming tahanan. Minsan nung isang gabi nung ako ay naglalaro kasama ang aking barkada, ako ay nasigawan ng A, G, D and T. Gusto niyo bang malaman kung ano yung mga yun?? Well, gawin niyo na lang yung ginawa ko.

Hanep na buhay yan. Nagpapakahirap kang mag-aral tapos ganito igaganti nila sa'yo?? Hanep na buhay yan. Ultimong ginagasta mo na ang sarili mong pera maasam mo lang yung grade na uno sa major mong subject tapos ganito pa. Sino ba sila para manghusga ng taong hindi naman nila nakikitang nagsisikap makatapos lang ng pag-aaral??

Hotdog. Hamburger. Buti pang maglayas at magsulat na lang sa mga website at blog sa internet para may maimpantustos sa pag-aaral eh. Makakaya mong mabuhay mag-isa basta may pera ka. Hamon! Kalokohan. Magse-second sem na at magtthesis na ko. Tignan natin kung wala nga akong pinag-aaralan sa sintang paaralan ko. Kahit pangmahirap ang eskwelahang yon, sinasabi ko sa'yo dugo at pawis ang inilalaan ng mga estudyanteng nag-aaral dun na kagaya ko.

Kung gusto mong malaman kung may pinag-aaralan ako. Pumunta ka sa paaralang yon ng makita mong hinahanap mo!

KinginaKa may papalag pa?? xD

-Judas

Bakit sa panahon ngayon mayroong mga tindera/tindero na 'pag ikaw ay pumunta sa kanilang sari-sari store o kung tawaging nila ay tindahan (para bumili syempre), at 'pag ikaw ay tumawag na ng magbebenta sayo (pagbilan, pabili po) malayo pa ung magbebenta sayo, ayan na sisigaw na yan at magtatanong ng "ANO?", siyempre ikaw naman 'tong si engot na sisigaw din ng kung ano kailangan mong bilhin kahit na alam mong hindi nya ito maririnig. At pagkatapos nun pag andun na sya sa harap mo, tatanungin ka ulit ng "ANO?".

 Heto pa matindi. Mayroong kalapit na tindahan ang aking nabanggit kaninang tindahan, na ang tindera ay ubod ng sungit, parang lageng may period kahit menupause na, nakaka-suya. Kapag ikaw ay bumili ng softdrinks doon kahit ano pa yan, Coke, Sprite, Royal, Fruit Soda, at ang dalawang patok sa mga tindahan Sparkol at RC mabibili ito sa halagang sampung piso pababa. Eto na, 'pag ito ay bibilhin mo as "take out" o sa madaling salita ay naka-plastic, ang babaeng tindera na tatawagin natin sa pangalang "Azon", ay hihipan ang plastic ng softdrinks ng sa ganoon ay bumuka ang plastic at maibuhos ng maayos ang softdrinks. Naku po! Ang kanyang hininga ay andun na sa plastic ng softdrinks na iinumin mo ng bonggang-bongga. Kadiri ka! Kinginaka!

Kahit san ka mapalingon makakakita ka ng mga nagyoyosi, pwedeng sa kalye pwede din sa mall, bar , school, at kung saan saan pa.

Sa dami ng mga naninigarilyo dito pa lang sa Pinas hindi mo parin maiiwasan na makabangga yung mga nagyoyosi na hindi man lang makabili ng kahit maliit na lighter o kahit man lang posporo. Sa maniwala kayo at sa hindi, merong mga sadiyang makapal na kahit hindi mo kakilala biglang nanghihingi ng yosi.

Sabi ni KFC Finger Lickin' Good daw, eh? Madaming tao ang nagkakadandarapa sa gravy, masarap kasi kahit ako gusto ko nun. Yun din ang binabalikan ng mga kumakaen sa KFC, aminin niyo wag ng itago pa. Nomnom ika nga, ngunit may tama at mali sa pagkain sa KFC. Huwag ninyo unahin ang mashed potatoes dahil kapag inuna ninyo ito kainin, sigurado ayaw niyo na makakita ng pagkaen lalo na kung marami kayong nakaen.

Ang mashed potatoes ayon sa aking karanasan ay mabigat sa tiyan, madaling nakabubusog. Kaya kung ako sa inyo unahin niyo muna ang ibang pagkaen bago iyon. KFC - Kinginang Fried Chicken yan. Ay bakit nadamay ang fried chicken? Pero sa totoo lang masarap ang mashed potatoes kapag madaming gravy, oh my... nakagugutom. Kingina talaga.

Maga-alas-dose nang ako'y umorder ng pagkain sa McDonalds Delivery website. Umorder ako ng Isang Double Cheeseburger na walang fries at drinks at Isang Crispy Chicken Fillet na may large Coke para sa kumakalam 'kong tiyan. Kausap ko pa ang may-ari nitong blog na ito na tipong nai-ingit sa Mcdo kong pa-parating (wala kasing Mcdong malapit sa kanila). Ngunit makalipas ang apatnapu't minuto, wala parin ang inaasahang pagkaing pupuno ng tiyang naghahanap ng pagkain.


Ako ay disappointed sa kasalukuyang pangyayari.

'McDonalds Online Delivery has never failed me... not until today.'

McDonalds o Mangdonalds. Ibigay mo pagkain ko. KinginaKa!