May nakita ka na ba o napanood na tao na napapangiti bigla sa kabila ng kawalan? Ito ang mga taong ngumi-ngiti nalang ng biglaan habang mag-isa, nasa kwarto na nakahiga o kung saan man lugar at tulala.

Ang akala niyo ba'y sa mga pelikula, telebisyon o sinehan mo lang makikita ang mga ganitong kaganapan, isang malaking pagkakamali. Nakakatuwa ang makakita ng isang taong ganito at mas lalong nakakatuwa kung ikaw mismo ang taong iyon.

Hindi malayong mangyari sa iyo ang ganitong pangyayari. Kung ikaw ay mag-isa sa bahay, kainan, kwarto o kama, di mo maiiwasan mag-isip ng mga nangyayari sa buhay mo. Natural lang ito sa normal na tao na nabubuhay sa mundo. Ito ang mga uri ng taong may damdamin at may pag-ibig sa kapwa, kaibigan o may syota na di makalimutan kahit bigo na talaga.

Di mo maitatanggi na nangyayari sa iyo ito. Alam mo din na mukha kang tanga kapag bigla mo napansin na nakangiti ka na pala habang malayo ang tingin, at buti nalang walang ibang tao na nakakakita sa iyo. Minsan nga nakalabas pa mga ngipin mo sa sobrang kaligayahan. Kung hindi nangyayari sa iyo ito, KINGINA KA, wala kang damdamin, wala kang pakialam sa mga nangyayari sa buhay mo. Isa kang sanitary napkin, basura sa mundo, magbigti ka na. Ang sarap mong kainan ng Balut sa face. Oo, tama ang nabasa mo, kakainan kita.. ng Balut sa face.

0 comments:

Post a Comment