Ang Globe Telecom ay isa sa mga nangungunang mobile carrier sa Pilipinas. Alam lahat ng Pilipino kung ano ang Globe kapag ito ay nabanggit mo.

Tama, sa Metro Manila wala akong naging problema sa signal nito. Kahit saan Lungsod ng Maynila nakakatanggap ako ng mga mensahe at tawag. Pero kapag nasa loob ka na ng isang bahay o gusali, hindi din natin minsan maiwasan na magkaroon ng problema. Ano sila perpekto?

Naiintindihan ko naman ang ganoong problema. Ngunit subalit sapagkat datapwat, ang pinaka-masaklap na aking naranasan ay ang pag-subscribe sa promo ng Globe. Sinubukan ko ito gamit ang pag-text, na kadalasang ginagamit para makapag-subscribe sa kahit na anong promo ng Globe.

Alam niyo kung ano sagot nila, "..registration can't be processed at this time...blah.blah." Papeng! Idol di ba? Sinubukan ko din gamitin ang kanilang website para mag-subscribe sa parehong promo. Ang sagot naman sa akin? "..the keyword you entered is invalid..." KINGINA! Ayos mo dre! At ito pa, nag-subscribe ulit ako gamit ang website pero ibang promo naman. Naging masaya ako dahil ang natanggap ko ay, "Your ... is now active!" Ang saya di ba.

Nang tumawag ako, tuloy tuloy naman ang pakikipag-usap ko. Heto na naman, biglang naputol wala pang 10 min! Ang pinaka-magandang nangyari pa dito, naubos ang load (Prepaid Balance) ko nang ganoon lang ang nangyari? Holy seat! Ang saya nga, KINGINA! Yan ba ang magandang serbisyo? Kung kailan kailangan mo saka pa maghuhuramintado!

Kingina talagang Globe Telecom na yan, nakakarami ka na. Hindi ka lang basura, kinukuha mo pa ang load! Wala ka na ngang silbi, nagbibigay ka pa ng problema! Hutaena mo ka!

0 comments:

Post a Comment