Lagpas na sa isang dekada mula nung ako’y naimbitahan na
sumulat para sa kinginang blogger blog na ‘to, pero ni minsan eh hindi ko
nagawang sumulat ulit ng kahit isang blog post. Kinginang yan!
May nagbabasa pa ba ngayon? – Meron akong nabasang statistics online, paubos na yung mga dating sumusulat at bumabasa ng mga
blogs. Wala na tayong tiyaga at pasensiya na magbasa.
Ano yung kapalit? – Mga 15-second video ng mga halos hubad
na mga babae na nagsasayaw, mga AI generated videos, at siyempre yung mga Top 5
lists ng mga bagay na wala naman talaga tayong pakealam at makakalimutan din
naten pagkatapos nateng mag-doom scroll ng isang minuto.
So bakit ako bigla nagsulat? – Kingina nakaka-miss lang
kasi. Nakaka-miss yung tahimik ka lang nakaupo, bitbit yung laptop mo, wala
kang kaylangang pakinggan na usong mga kanta para nakawin at ilagay sa gagawin
mong video para magmukang tanga online. Puting background lang na parang MS
Word.
Nasaan na yung iba? – Aba malay ko! Kingina busy na kami.
Matatanda na kami at madami ng masakit sa katawan namin. Meron na din mga
kaylangang mag-alaga ng mga anak nila at maging alipin ng salapi.
Kamusta na kayo? – Isa lang ang alam ko, kahit naman hindi na kami nagkaka-usap, nagkikita-kita, at nag-iinuman kada-sabado ng gabi, hinding hindi masusunog ang tulay na gawa sa bato. Kung nasaan man kami ngayon, ang importante eh buhay pa ‘tong blog na ‘to na magsisilbing paalala kung gaano kami kasaya noon. Nung mga panahon na ang iniisip lang namin eh kung saan kami mag-iinom mamaya, kung magkano na yung pack ng Marlboro, at kung sino yung nakatambay dun sa WoF or Quantum at naglalaro ng Tekken.