Heto na naman at tungkol na naman sa pagkain ang inyong mababasa. Nang mga oras na iyon ay pare-pareho ang aming naisip na kainin, pizza. Isang restawran sa Taguig na may mapula at madilaw na ilaw na parang sa kotse na animo'y nasa isang kubeta ka.


Masaya ang grupong nagke-kwentuhan, nagtatawanan habang kumakain. Medyo nagtagal din kami sa kainan na iyon. Nang matapos ang lahat kumain, maya't-maya ay may naririnig kaming tinig na tila'y isang lamang lupa.

Unti-unting natahimik ang lahat at dahan-dahan dinala ang atensyon sa mga tinig na aming naririnig. Pinagusapan ito ng grupo na hanapin kung saan nagmumula ang kakaibang himig na bumabalot sa restawran na iyon.

Hindi nagtagal, nahanap na namin ang kasagutan na parang isang guni-guni na lumalason sa iyong isipan. Na-aktohan namin ang Manager ng nasabing kainan na nakikipagchismisan sa kanyang mga katrabaho. Pinagmasdan namin siya (Manager na naman), hinuli namin ang kanyang tinig at tumpak! nasa kanya ang kasagutan, Kingina!

Kala mo'y isang kakaibang nilalang ang Kinginang Manager ng restawran na iyon. Boses kiki ang Kinginang Manager na lumason sa aming isipan ng mga oras na iyon! Sa aming paglisan ay nakuha pa niya buksan ang pinto para sa amin at sabay sabi ng "Thank You for coming!" Talagang mapapa-Kingina ka sa kanyang mga tinig na tumatambay sa tenga at habang buhay mong dadalhin. Mabuhay ka Kingnang Manager ka!

nakita mo na pala eh, hindi mo pa bigyan ng pansin. gusto mo yung mismong tao pa yung may sala eh. wala ka man lang kusa. para kang inagawan ng candy, kung makapagreklamo ka ha.

dadamputin mo lang gamit ng mga pangit mong kamay yung dumi, hindi mo pa magawa. ano ka? anak ng Diyos? hindi pwedeng madumihan ang malinis mong mga palad.

tingin mo ba malinis yan?? bulag ka lang kaya di mo makita.

nakakainis na eh noh. ganyan ka ba mag-isip. nakapagtapos ka na ng highschool at college ha. may diploma ka pa. eh daig ka pa ng mga batang sumusulat sa Maala-ala Mo Kaya eh. Subukan mo kayang manood ng TV, baka may mapulot kang aral at mamulat ka sa katotohanan.

shetness.

ilang taon ka na ba? bente-kwatro?? ganyan ba mag-isip ang bente-kwatro?? pubunutabana mo eh noh.


Kingina ka pa!

Heto na naman ako at irereklamo ko na naman ang nag-iisa at bukod tanging Kinginang tindahan. 

Isang umaga, nang ako'y mangailangan ng load, nagtungo ako sa aming paboritong tindahan, dahil doon ay mura, maraming tinda at wala akong pakialam. Sa aking pagdating, ako ay nag-iisa lamang sa tindahan kaya inisip ko na mas mapapa-bilis ang pagdating ng load ko.

Nang aking maisulat ang numero ng aking Cellphone, iniabot ko agad kay Mang Santos, ang may ari ng nasabing tindahan. 

Ilang saglit lang, may dumating na isang mamimili, agad siyang tinanong ni Mang Santos kung ano ang kaniyang bibilhin. Ang nangyari, isinantabi muna niya ang aking numero at agad pinagsilbihan ang dumating na mamimili. Nainis ako pero hinayaan ko nalang.

Nang umalis na yung mamimili, hinawakan muli ni Mang Santos ang numero, ngunit mayroong dumating muli dalawang magkasunod na mamimili. Aysus! muli, ito ay kaniyang inunang pagsilbihan. Lalong nag-init ang aking ulo pero pinalagpas ko nalang.

Sa aking paghihintay ng pagkatagal-tagal, habang pinagsisilbihan pa ang dalawa, agad may dumating na isa pang tao upang bumili, Kinginang tindahan yan! 

Hindi pa tapos, may dumating pang isa at nadagdagan ang oras ng aking paghihintay at init ng ulo. Matapos nilang lahat bumili, saka lang ako pinaload-an ni Santos. KINGINA! LIMANG TAO ANG NAUNANG MAKAALIS SAMANTALANG AKO ANG NAUNANG DUMATING?

Sa mga oras na yun ay nagmamadali pa ako at kailangan ko na talaga ng load. Kingina Ka talaga Santos, magsama kayo ni Azon. Kingina Nyo!!! 

P.S
Naulit muli sa akin ang ganitong pangyayari ilang araw ang nakalilipas. ,,i,,


Kaming magkakaibigan ay nagkayayaan na magkita sa isang kilalang kapihan sa lungsod Quezon. Medyo nagtagal din kami doon at inabot ng paglubog ng araw. Gabi na iyon at ng naisipan namin na gutom na pala kami, Nagugutom kami Kingina!

Sa mga oras na iyon, nagusap-usap kami na kung saan ba kakain at kung ano ang gusto kainin ng bawat isa. Siyempre, kapag humirit ang isa sa magkakaibigan ng gusto niyang kainin, ang sagot ng lahat ay 'Sige, yun nalang.'

Nakapagdesisyon kami na kumain sa Mangdobalds (McDonalds) sa Kanluran Abenida na kung saan ay malapit lang din sa aming pinanggalingan na kapihan. Agad-agad naming tinahak ito dahil gutom nga kami diba? Kingina, magbasa!

Pagdating namin sa Mangdobalds, di maiiwasan na isa sa inyo ang magtatanong kung ano oorderin at ang sagot ay 'Ano ba sa iyo?' Tinanong mo, tanong din ang sagot? Kingina! Natural lang naman yan sa buhay ng tao kaya madaling intindihin.

Ito na, mukhang lutang na Baklang Manager mismo ang kaharap namin at kumuha ng mga order namin. Nasabi na ng lahat sa amin ang gustong kainin maliban lang sa isa, itago nalang natin sa pangalang JunJun. Sinabi ni JunJun ang order niya, inulit pa nga niya ito para maintindihan ng Kinginang Manager na iyon. At ang sagot ng Kinginang Manager na mukhang lutang ay, 'Anong gagawin?'

Kingina! Ano yun magti-titigan nalang kaming lahat dun? Sinabi mo nga ang order mo tapos ang sagot sa iyo "Anong gagawin?" Kingina mong bakla ka! Ba't sa Pilipinas ka pa pinanganak! Kung hindi nga naman kalahating g*go't kalahating t*nga ang hinayupak na Baklang Dinosaur na yun. Nakaka-Kingina ang sagot niya, gutom ka na nga tapos yun pa kakausap sa iyo? Nakakawalang gana kumain! Pwe!

Gayon pa man, isa siya sa kakaibang nilalang na nakilala namin. Ang magandang balita ay wala na siya doon sa kinainan namin na Mangdobalds. Ang masamang balita naman ay nasa isang sikat na Mall siya nailipat, kaya ingat-ingat din.