Ang Friendster ay isa sa mga sikat o patok na social network lalo na sa mga pilipino. Dati ay pagandahan pa ng layout/itsura ng profile. Meron makintab, itim at karamihan ay pink na may kumikinang para sa mga babae. Dati rati paramihan ng Comments at Testimonials, ika nga ng nakararami noon, "Uy, testi mo ko ha." Hindi pa uso ang Jejemon noon pero nagkalat na sila dati pa. Yun nga lang, walang chat sa Freyndster ay Friendster pala kaya siguro medyo nawalan ng gana ang mga tao.

Sumulpot si Fesbuk/Facebook, nagpuntahan ang mga tao, parang sale lang sa SM, kung saan madami dun sila. At syempre, kapag bago ka dun at madami nakakakilala sayo araw araw mo maririnig "Add mo ko, invite kita." Lalo na sa mga laro sa Facebook, kung anu-ano makikita at maririnig mo "buy mo ko, penge gift" blah blah. Sa Fesbuk din nadiskubre ang mga jejemon, sosyal o pasosyal lang, pogi o pogi siguro, maganda o nagmamaganda at maraming pang ibang uri ng mga tao.

Ngayon parang nagiba na ang ihip ng hangin, iba na ang Facebook dati at ngayon. Dati ang Facebook malinis at maayos, ibig sabihin ngayon may mga walang kwentang bagay na. Kung anu-ano nila-like, wala tayo magagawa gusto niya, like nga eh. May mga page na ubos oras lang at walang katuturan. Walang dapat sisihin, parepareho tayo may Facebook account.


Oklahoma dapat eh, kaso sumablay lang ang pagkakasulat. Oklahimas daw, maaaring iba ang ibig sabihin nito. Ang taong nagsulat nito ay si ****. Hindi pwede sabihin kasi kilala sya nang nakararami. Pinrint iskrin ito para merong ebidensya sa maling gawain niya.

Oklahimas nga ba o Oklahoma? Ano ba sa tingin ninyo ang tama. Isang malaking pagkakamali ang naisulat ng taong ito. Marahil may iba siyang iniisip o may problema sa pagiisip kaya naya nagawa ito. Pero ayos lang, kung sino ka man, KINGINA KA!


Ako ay nagexperimento, tama ba? eksperimento na nga lang para wala nang problema. Isang gabi, nilaro ko ang kompyuter ko. Kinalkal ko, naginstall ako ng pang-play ng mga kanta, naghahanap kasi ako ng equalizer para matimpla ko yung tono ng kanta. Naghanap ako ng matinong music player para sa kompyuter at nakahanap naman ako.

Dinownload ko agad yung music player na yun at pagkatapos ininstall ko para magamit ko na agad. Natapos na ang pagiinstall at sinimulan ko gamitin. Nilaro ko ang equalizer, tinaas ko, binaba ko, parang bulate ang itsura kapag tinignan mo ng patagilid. Nakuha ko ang tamang timpla ng kanta, maganda na ngayon ang tunog ng kompyuter, hahanap hanapin mo. At yun, ayos na, KINGINA KA!

Balik loob na naman ako sa pagboblog. Nagsimula ako noong... nakalimutan ko na. Kaya ako ay nagsulat muli dahil naengganyo lamang ako. Mahabang panahon din ang lumipas at may mga araw na nasayang. Ngayon ay nagsulat ulit ako pero tagalog para maiba naman saka tagalog lang naman ang alam ko isulat at sabihin, di kasi ako marunong magengrish eh.

Eto na muna sa ngayon, sa susunod nalang yung kasunod. KINGINA KA!